Paano ba bigkasin ang mga salita kung
ito’y minsan ng nagdala ng kirot?
Maaari nga bang lumuha at masaktan dahil
sa labis na hatid mong saya?
Sumanib sa akin ang kalagayan at ganap
sa isang perya
Halakhak ng damdamin umaagos hanggang
sa aking isipan
Sumisipol ng bagong tugtugin at kay
gandang musika
Yan ang iyong dulot sa aking pagkatao at
buong kalooban
Ang lahat ay tila isang musikero na gustong
may ipadinig,
Inaaral na matutunang tumugtog ng
kanyang guitara
Nangangapa, sumasabay sa kung saan
dalhin ng himig
Yan ay damdamin na tila hindi ko ma-awit
sayo ng tama
Ako baga ay parang musmos na sugatan ang tuhod
At ikaw ay bagong kalaro na handang magpasaya
dito
Bagamat hindi handa ang puso kong lagi
nalang natitisod
Sa labis na ligaya at ngiti na dulot mo,
naghihilom muli ito
Ngunit, paano mo ipapaliwanag ang ligaya
kung ang kasabay nito ay takot?
Paano ba bigkasin ang mga salita kung
ito’y minsan ng nagdala ng kirot?
Maaari nga bang lumuha at masaktan dahil
sa labis na hatid mong saya?
Kung ako’y maging handa para sayo,
ibibigay mo ba ng buo ang puso mo?
-Jackie Perfinan
-Jackie Perfinan
No comments:
Post a Comment