Life is Short

Life is Short

Sunday, July 26, 2015

Para kay Glaiza
















Kay tagal mong hinintay itong tamis ng tagumpay,
natagalan man ng saglit, kailan ma'y hindi bumigay
kay raming mong oras na hindi man lang sinayang
patuloy kang nangarap,pag-asa'y hindi nadarang

O kay daming pagkakataon na ikaw ay tinanggihan
batid kong ikaw ay lumuha at ikaw nga ay nasaktan
marahil sa labis na pagod ang huminto'y iyong naisipan
hindi lamang pagod ng katawan at puso, kundi kalooban

Pero patuloy kang lumaban; sumabay sa agos ng buhay
ang iyong bituin ay inabot kahit minsan ay nanlupaypay
Bagamat may pait at hapdi ang sugat ng iyong nakaraan
hindi ka kailanma'y bumigay at patuloy ka ngang lumaban

Sa lahat ng iyong tinakbo at pinagdaanan sa iyong karera
Maging ang iyong hilig at pag-ibig sa musika't sa pagkanta,
Pag-mamahal ng pamilya at pag-papala sayo ng Lumikha
ay siyang naging iyong lakas at dahilan upang magpatuloy pa

Oo, kay tagal mo naghintay para sa tagumapay na kay tamis,
Ito nama'y dumatal sa tamang panahon dahil sa ika'y nag-tiis
Di baga pag pinaghirapan mas masarap akapin at tanggapin?
Karapatdapat sayo lahat dahil sa kabutihan na iyong angkin!

Maraming salamat sayo Glaiza Galura o de Castro ka man
Ikaw ang sa amin ay nag hatid ng inspirasyon at kaligayahan
Nawa'y ikaw ay patuloy pang pag-palain ng May Kapal
Pagkat ikaw ay talaga namang tunay naming minamahal 

-Jackie Perfinan

No comments:

Post a Comment