Life is Short

Life is Short

Wednesday, July 8, 2015

Nagbabadyang Tag-Ulan

Muling humampas ang alon sa dalampasigan...
Nagbabadya nanaman ba ang bagyo't tag-ulan?
Ang hangin na animo'y sumisipol, humihiyaw
Mga punong nababaliw, umiindayog sumasayaw...
Ikaw ba ay tatalikuran at hihinto sa paghihibang?
O ako ba'y hahayayaan ang sarili'y madarang?

Kay tamis ng pag-tawag ng ulan sa aking pangalan...
Kung kaya lamang sana maibsan ang kalungkutan,
Pababayaan ko na lamang umagos ang damdamin,
Ngunit ito'y magdudulot ng malalim na sugat sa akin...
Ang tanong lang, bakit nga ba kay ilap lagi ng ligaya?
At ang kabaliwan ba ang sa puso ay magpaparaya?

Nagbabadya nanaman ang bagyo't tag-ulan...

-j.perfinan


No comments:

Post a Comment