Life is Short

Life is Short

Monday, July 20, 2015

Mirasol












Ikaw, ikaw nga ay saki'y gumitla,
Maamo mong mata ay kahali-halina
Tila mirasol na nakatingala sa araw,
Ningning nito'y sa puso ko'y nagpahiyaw
Ikaw nga ay Mirasol, nagdulot sakin ng saya

Sayo, oo sayo ko muling nadarama,
na mahaplos ang aking pusong balisa
Ang isip ko'y may tanong at pagtataka
Ako nga ngayo'y ay totoong nangangamba...
Ngunit ikaw ay Mirasol nagdalala ng sigla 

Ako, ako nga ba'y lilisan at lalayo na,
Pagkat damdamin mo'y may hapdi at sugat pa?
Ang nais ko lamang sana ay hilumin ito
Hindi ko sadyang ikaw ay tabuyin palayo
Pagkat ikaw ay Mirasol na hatid ay panatag

Kung liparin ng hangin ang aking pagsinta,
Doon kung saan wala ka ng takot at pangamba
Ang hiling lamang sana ay buksan ang pintuan
Luha mo ay papahirin at ang mata mo ay hahagkan
Ikaw ay isang Mirasol na kay payapang pagmasdan


Ang aking hiling ay wag akong layuan
Pagkat malulumbay ang puso ko at isipan
Ikaw nga'y biglang sumibol sa aking kalooban
Sa pagitan ng kulimlim, sakit at tag-ulan
Kaya't Mirasol sa tag-araw ang iyong ngalan

-J.Perfinan

No comments:

Post a Comment