Life is Short

Life is Short

Sunday, September 27, 2015

Himig

Paano mo nga ipapaliwanag ang ligaya kung ang kasabay nito ay takot?
Paano ba bigkasin ang mga salita kung ito’y minsan ng nagdala ng kirot?
Maaari nga bang lumuha at masaktan dahil sa labis na hatid mong saya?

Sumanib sa akin ang kalagayan at ganap sa isang perya
Halakhak ng damdamin umaagos hanggang sa aking isipan
Sumisipol ng bagong tugtugin at kay gandang musika
Yan ang iyong dulot sa aking pagkatao at buong kalooban

Ang lahat ay tila isang musikero na gustong may ipadinig,
Inaaral na matutunang tumugtog ng kanyang guitara
Nangangapa, sumasabay sa kung saan dalhin ng himig
Yan ay damdamin na tila hindi ko ma-awit sayo ng tama

Ako baga ay parang musmos na sugatan ang tuhod
At ikaw ay bagong kalaro na handang magpasaya dito
Bagamat hindi handa ang puso kong lagi nalang natitisod
Sa labis na ligaya at ngiti na dulot mo, naghihilom muli ito

Ngunit, paano mo ipapaliwanag ang ligaya kung ang kasabay nito ay takot?
Paano ba bigkasin ang mga salita kung ito’y minsan ng nagdala ng kirot?
Maaari nga bang lumuha at masaktan dahil sa labis na hatid mong saya?

Kung ako’y maging handa para sayo, ibibigay mo ba ng buo ang puso mo?

-Jackie Perfinan


Friday, September 4, 2015

Painful Bliss

you were bound to convey pleasure and pain,
she was ready to accept them as if to sustain
her heart with the prowess to endure and bear
the heart that bleeds and relentless to tear

you screamed passion for someone else's name

she chose to watch you hum a heartfelt hymn.
she blames you not since it was clear and plain
and her love is as solemn as the sound of rain

you were like a drug, a heroin; she was the user

she was drawn to cease, to let go and surrender
hence tried to withdraw, to forget, mostly grief
but her bliss is you, so she returns with relief

her love for you is like an ancient rocking chair

she moves, she cradles, yet it brings her nowhere
worst! it breaks, it collapses together with her
that may wound her soul and it will scar forever

then one night, that fateful hour, she broke down

dragged her stabbing pained self! this ruined one!
if you knew her, know she owned undying strengths 
She's a pearly white formica; hard rock, she stands

tonight, her feelings for you still pours so freely,

however, her finger touches that love with finality
she'll remember you always like her favorite summer
her suffering ends here but your memory will linger

she has loved you, it was eternal

yet she was wounded, she is a mortal

- jackie perfinan


Sunday, August 30, 2015

Palaisipan

Bakit?

Bakit mas madalas na walang kasagutan sa mga tanong?
Ako ay manghuhula na lamang ba pagkat hindi na makapaghintay?
Bakit tila mas madaling sabihin ang mahal kita ngunit mahirap panatiliin?
Hindi gaya ng pagpapaalam na kay hirap bigkasin ngunit kay dali naman gawin...
Bakit nga ba likas sa atin na mas mabilis tayo ay mang-husga? 
Ngunit kay bagal ng pag usad ng pag-tanggap at pag-unawa?
Marahil bago pa man dumating ang mga kasagutan...
Ang lahat ng ito ay labis ko ng naintindihan...

Minsan...

Minsan ako ay sa hangi'y kumapit...
Nagpa-agos sa haplos ng araw sa tag-init...
Sumayaw sa ilalim ng bituin at kabilugan ng buwan...
Natulog habang bumubuhos sakin ang ulan...
Malamang kung ikaw ay nagbabasa nito ikaw ay naguluhan...
Magaling! Pagkat ako ay iyong naintindihan!

-jackie perfinan

Saturday, August 29, 2015

Lavender, Rose, Lily and Her Heart













She had waved farewell, turned her back and drifted away,
From an island of lavender fields and torching addicting weeds
Yes, with blazing beliefs that this is not to lead her astray
The tormenting rush of blood through her veins of veins!    
She screams in mighty and fervent tears of freedom and glee

Touching a land of peaceful chaos, a land of roses where she lay
It allowed her to stay quite longer, thorns pricked her inner skins
“Unconfined, bluntly”- she thought of those pricks on her as fey
Alas! she dreamt of the scent of lavender in the islands and weeds
Gathered her oars, left the roses and rowed back to frightful agony

As she stroked to rough warm waters, a modest lily caught her way
The lily emulated, echoed her being, her voice, and all of her needs
She swore she would row from night ‘til day if the lily would stay
Before dawn a harsh truth snapped, the lily belonged to someone else
Short lived it was named, she painted it in oil as if it was not to flee

In the rise of the red moon, on the lavender field she ran and lay
The sweet scent lulled her, dragged her, pulling her to deep dreams
Dreams turned to delicious nightmares, found herself in a sad bay
She watched her soul roll in lavenders and roses and addicting weeds!
Bleeding, wounded, bruised, the rage and the scars she’d hated to see!

The oars all wrecked, her spirit drenched, her soul almost lost!
Her heart. It was broken. Her heart was still beating yet bleeding....

-jackie perfinan

Sunday, July 26, 2015

Para kay Glaiza
















Kay tagal mong hinintay itong tamis ng tagumpay,
natagalan man ng saglit, kailan ma'y hindi bumigay
kay raming mong oras na hindi man lang sinayang
patuloy kang nangarap,pag-asa'y hindi nadarang

O kay daming pagkakataon na ikaw ay tinanggihan
batid kong ikaw ay lumuha at ikaw nga ay nasaktan
marahil sa labis na pagod ang huminto'y iyong naisipan
hindi lamang pagod ng katawan at puso, kundi kalooban

Pero patuloy kang lumaban; sumabay sa agos ng buhay
ang iyong bituin ay inabot kahit minsan ay nanlupaypay
Bagamat may pait at hapdi ang sugat ng iyong nakaraan
hindi ka kailanma'y bumigay at patuloy ka ngang lumaban

Sa lahat ng iyong tinakbo at pinagdaanan sa iyong karera
Maging ang iyong hilig at pag-ibig sa musika't sa pagkanta,
Pag-mamahal ng pamilya at pag-papala sayo ng Lumikha
ay siyang naging iyong lakas at dahilan upang magpatuloy pa

Oo, kay tagal mo naghintay para sa tagumapay na kay tamis,
Ito nama'y dumatal sa tamang panahon dahil sa ika'y nag-tiis
Di baga pag pinaghirapan mas masarap akapin at tanggapin?
Karapatdapat sayo lahat dahil sa kabutihan na iyong angkin!

Maraming salamat sayo Glaiza Galura o de Castro ka man
Ikaw ang sa amin ay nag hatid ng inspirasyon at kaligayahan
Nawa'y ikaw ay patuloy pang pag-palain ng May Kapal
Pagkat ikaw ay talaga namang tunay naming minamahal 

-Jackie Perfinan

Friday, July 24, 2015

But My Love is a Candle


This fierce ache in my heart is a cowardly calm, 
A drop of boiling, melting candle wax on my palm
The intensity is pricking; the pain is stinging
Alas! as the wax hardens, the hurt starts vanishing

Then here's my love for you, not gone, still strong
Blame me not; I've fallen in love with you all along
Though you've chosen to pain me, it has not stopped me
My love for you is a river, screaming, raging so freely

If this ode of mine reaches you, be it known that it's true
What real love, passion; feelings of the soul can really do
Yes, like a candle, it may slowly die as the wax melts down
It melts yes, but when gathered can create a brand new one

You may elude or desert me, but my love is a candle

It melts yes, but when gathered can create a brand new one
                                                                                  -j.perfinan

Tuesday, July 21, 2015

Summer



You are a touch of warm breeze on my skin
a pretty laughter that brings me so much grin
You are an evening walk along a busy avenue,
and our quiet talk is just peaceful when I'm with you
Your dark brown eyes are my blissful thoughts
You are my sweet caramel and tiny alcohol shots
a dainty sunflower in a silent field is who you are
and my velvet skies when it's dark with no star...

- jackie perfinan