Life is Short

Life is Short

Monday, July 20, 2015

Mirasol












Ikaw, ikaw nga ay saki'y gumitla,
Maamo mong mata ay kahali-halina
Tila mirasol na nakatingala sa araw,
Ningning nito'y sa puso ko'y nagpahiyaw
Ikaw nga ay Mirasol, nagdulot sakin ng saya

Sayo, oo sayo ko muling nadarama,
na mahaplos ang aking pusong balisa
Ang isip ko'y may tanong at pagtataka
Ako nga ngayo'y ay totoong nangangamba...
Ngunit ikaw ay Mirasol nagdalala ng sigla 

Ako, ako nga ba'y lilisan at lalayo na,
Pagkat damdamin mo'y may hapdi at sugat pa?
Ang nais ko lamang sana ay hilumin ito
Hindi ko sadyang ikaw ay tabuyin palayo
Pagkat ikaw ay Mirasol na hatid ay panatag

Kung liparin ng hangin ang aking pagsinta,
Doon kung saan wala ka ng takot at pangamba
Ang hiling lamang sana ay buksan ang pintuan
Luha mo ay papahirin at ang mata mo ay hahagkan
Ikaw ay isang Mirasol na kay payapang pagmasdan


Ang aking hiling ay wag akong layuan
Pagkat malulumbay ang puso ko at isipan
Ikaw nga'y biglang sumibol sa aking kalooban
Sa pagitan ng kulimlim, sakit at tag-ulan
Kaya't Mirasol sa tag-araw ang iyong ngalan

-J.Perfinan

Monday, July 13, 2015

Pink Margarita

I hold this margarita glass,
I stare at the pink liquid inside,
I take a sip and taste the sweetness,
And I say, “this is me,
This is what I should be”,
Then, I must escape from you…

You are a margarita glass,
You are the pink liquid inside,
You have the sweetness too,
And I speak to myself, “this is you.
This is what I also am”,
Then, must I escape from you?

We are the margarita glass,
We are the pink liquid inside,
We both have this taste of sweetness,
And I just know, that I have to escape from you…

With every sip and every taste and every sweetness,
I think of you, tears drop for you...
With every sip and every taste and every sweetness,
Still do not give me the courage and the voice,
to express and confess every pouring love for you…

if I break this margarita glass,
if I pour this pink liquid,
but still embrace and linger on the sweetness,
then I will not have to escape from you…

if I face my courage and have the voice,
if I express and confess every pouring love for you,
will you still embrace the sweet aftertaste that lingers?
No. I know that you will escape and run away from me...


Sweet Pink Margarita lingers on me...
So, I whisper to myself, "I need to escape now from you..."

-j.perfinan

Lifeless Butterfly



It is a lifeless butterfly,
Fighting to flutter so high
Fluttering, faltering to the ground
It is a lifeless butterfly...

Numb colorful wings it's got,
Despair and pain, as they froth
Inside of it, it is wailing! screaming!
It is a lifeless butterfly...

It is a sight of felicity and glee,
Absurd! all those are just illusory!
Can't you see its bizarre inner place?
It is a lifeless butterfly...

Whimsical garden for this piteous thing,
All but a den of distress and wearing!

This is a lifeless butterfly

j.perfinan



Sunday, July 12, 2015

Tala


Ikaw para sakin ay tila laging isang tala sa kalangitan,
Ako ay aalis, lalayo at dadayo kung saan-saan...
Ngunit ang iyong liwanag ay siya ko parin tutunguhan
Ang ningning sa iyong mata ay naghahatid lagi ng ngiti
Kung kaya't siguro ikaw ay sa puso ko'y nananatili,
Kahit saan man mapadpad, ikaw talaga ay natatangi

Lagi kong naaalala ang iyong nakakahawang tawa,
Kahit may lumbay ang paligid pag andyan ka'y sumisigla.
Ganon ka naman kasi talaga, kaya buhay ay kay ganda,
Pag ikaw ang kasama, ang lungkot kahit paano'y napapawi
Kaya kahit ako ay namahinga at nawala ng sandali,
Isang araw, pag handa na ako babalik akong muli...

Totoong ako ay masaya sa lahat ng iyong tinatamasa,
Ikaw talaga ay hindi lamang bituin kundi isang tala
Busilak ng iyong liwanag ang syang saki'y nagpapaalala
Ang siyang nagtuturo kung paano at saan kita babalikan
Kay sarap alalahanin na minsan mo na akong tinuring kaibigan
Kung kaya't ako man ay lumisan, hindi kita nakalimutan

Isa kang natatanging TALA sa kalangitan...

-j.perfinan



Thursday, July 9, 2015

Alas Kwatro Ng Umaga

Ang puso ko'y may kirot at lumbay
Nagtataka pagkat ito'y matagal ng patay
Lahat ng luha na pinigilan ilabas yaring mata
Umaapaw na sa aking kalooban ng di sadya

Kung kaya lamang na ang lahat ay huminto na
Maging itong buhay at pagsapit ng umaga
Nanaisin ng kaluluwa kong maghimlay na lamang
Pagkat hapdi at pasakit ay natabunan na ang tapang

Ako ba ay makakaramdam pa ng pag-akap?
Mula sa isang pag-ibig na di kailangan ng aking sikap
Maaari bang tapusin na ang paghihintay?
Itong katawan at pagkatao tila'y wala ng saysay 

Sana nga lahat ng to'y liparin na ng malakas na hangin
Ang pagtakbo ko'y para bang mahuhulog sa bangin
Kung usisain ng aking bukas ang aking kahapon?
Ipagkakaloob ko na lamang lahat ng meron ngayon

Nais ko lang naman ay mahaplos ng katotohanan
Ang lahat ng minsan ay nabahiran ng kasinungalingan
Ang hiling ko lang naman sana humiram ng konting ngiti
Ngunit sadyang ito ay kay damot at mapagbigay ang pighati

-jackie perfinan




Wednesday, July 8, 2015

Nagbabadyang Tag-Ulan

Muling humampas ang alon sa dalampasigan...
Nagbabadya nanaman ba ang bagyo't tag-ulan?
Ang hangin na animo'y sumisipol, humihiyaw
Mga punong nababaliw, umiindayog sumasayaw...
Ikaw ba ay tatalikuran at hihinto sa paghihibang?
O ako ba'y hahayayaan ang sarili'y madarang?

Kay tamis ng pag-tawag ng ulan sa aking pangalan...
Kung kaya lamang sana maibsan ang kalungkutan,
Pababayaan ko na lamang umagos ang damdamin,
Ngunit ito'y magdudulot ng malalim na sugat sa akin...
Ang tanong lang, bakit nga ba kay ilap lagi ng ligaya?
At ang kabaliwan ba ang sa puso ay magpaparaya?

Nagbabadya nanaman ang bagyo't tag-ulan...

-j.perfinan