Life is Short

Life is Short

Friday, October 25, 2013

Paglalayag ng Pag-ibig


Sa ulap kung saan ako ay nakalutang...
kung minsan ay may kumpas ng hangin,
na waring ako ay dinuduyan, kung saan ako ay maghihimbing ng tuluyan...
siguro doon ko sasabihin tapos na, wakas na,
ang lahat ng pait ay napalitan na ng tamis...
ngunit sa aking pakiwari matatagalan pa..
matatagalan pa bago ko sabihing,saglit lang, ito na...

-jackie
(ang minsan ng naniwala sa paglalayag ng pag-ibig)


Alaala ng Tag Araw

Minsan dinadayo parin ako ng alaala ng isang tag araw...
Sumasayaw, kumakaway na kawangis ng isang puno ng mangga,
at para bagang sinasabi, "halina, halina"...
Ang mainit na simoy ng hanging dumadampi sa aking kaibuturan,
hatid sa akin ay hapdi...ligaya at lungkot ng isang tag-init...

-jackie